BACKGROUND OF BARANGAY

MAIKLING KASAYSAYANG POLITIKAL NG BARANGAY LISAP, BONGABONG, SILANGANG MINDORO Ang Barangay Lisap ay dating Sitio na humiwalay sa Morente nang ito ay Barrio pa lamang noong taong 1964 sa pamamagitan ng petisyon na inihain sa Konseho Munisipal ng Bongabong sa pangunguna ng yumaong DIOSDADO R. MATINEZ na noon ay isa sa mga konsehal ng Barrio Morente. Ang petisyon ay naaprobahan at ang kauna-unahang hinirang na mamuno sa Lisap ay ang nabanggit na Diosdado R. Martinez sa katungkulan bilang TINYENTE DEL BARRIO. Siya ay nanungkulan simula 1964 at natapos ang panunungkulan niya noong taong 1967. Sa panunungkulan niya bilang Tenyente del Barrio-kasama ang buong Konseho-naipagawa ang kauna-unahang silid-aralan na tinawag na Macapagal Type Building at noon din nabuksan ang klase noong panuruang taon 1964-1965. Noong 1967 ay isang halalang pambarangay ang ginanap at ang nanalo dito ay si G. SEMACO MAMATO SR. Simula sa 1967, ang konseho na pinangunahan ni Kapitan Semaco Mamato, Sr. ay nagpatuloy hanggang sa panhong inabot ito ng batas mlitar kung kaya’t tumagal ang panunungkulan ng nasabing konseho hanggang sa taong 1983 (16) na taon na walang eleksiyon.. Sa panahong itinagal sa panunungkulan ni Kapitan Mamato Sr., kabalikat ang kaniyang buong konseho, ipinagpatuloy ang pagpapagawa ng paaralan hanggang sa naging isang ganap nang paaralang elementarya. Noong 1983-halalang pambarangay, ang nanalo ay si G. JOSEPH DIAZ. Ang panunungkulan ni Kapitan Joseph Diaz ay hindi natapos ayon sa itinakda ng batas sapagkat isa’t kalahating taon (1 ½ taon) lamang nakapaglingkod dahil bigla siyang nawala at tuluyang hindi na nakita hanggang ngayon. Sa yugtong ito, nahirang na kapalit bilang Kapitan ng Barangay Lisap si ROSITA RIVAS, isa sa mga Kagawad ng Konseho noon. Nanungkulan si Kapitana Rivas at kaniyang Konseho simula noong 1985 at ang termino niya ay natapos noong 1987. Ang Konsehong pinangunahan ni Kapitana Rivas ay sumuporta at ipinagpatuloy ang pagpapaunlad sa Lisap Elementary School. Sa idinaos na halalang pambarangay noong 1987, ang nanalo sa pagiging Kapitan ng Barangay ay si G. LOREDO M. MAMATO. Sa kaniyang panunungkulan, kasama ang buong konseho, pinangunahan ni Kapitan Loredo Mamato ang gawain sa pagpapasurvey para sa gagawing BARANGAY ROAD simula highway (Blasting) patungo sa Sitio Panuban/Siange, at kasunod nito ang proseso ng konstruksiyon ng daang Barangay na may distansiyang tatlong (3) kilometro. Dagdag pa rito ang pagpapagawa ng Barangay Hall, stage, at Basketball Court na pinaikutan ng bakod na cyclone wire at ngayon- ito na ang Barangay Plaza, ang Centro I, Lisap Proper. Nakahingi rin ng Barangay Hall na itinayo sa Sitio Tulay/Blasting at ngayon ay naging Barangay Health Center ng Barangay Lisap. Si Kapitan Loredo Mamato ay dalawang (2) ulit na nanalo sa pagiging kapitan. Noong 1997 halalang pambarangay , ang nanalong kandidato sa pagka-Kapitan ay si G. EMILIANO S. EUSTAQUIO. Si Kapitan Emiliano Eustaquio, kasama ng buong konseho ay nanguna sa iba’t-ibang Infrastructure Projects Development. Nagkaroon ng concreting of Barangay Road sa tapat ng Abuel’s property (Bago sumapit sa Lisap Elem. School) gayundin ang pagpapagawa ng “culverts” na nainstala sa sapa. Nakahingi rin ang konseho sa pangunguna ni Kapitan Eustaquio ng kumpletong Water System Project buhat sa Provincial Government/DPWH at nagkaroon ng ligtas at malinis na inuming tubig buhat sa hulo ng Gantong na ipinadaloy patungong Housing Project , Lisap Elem. School at umabot pa sa Centro I (Lisap Proper). Naipagawa din ang isang bagong Barangay Hall buhat sa CDF ng dating Congressman Manny Andaya- na ito ngayon ang tinatawag na “Andaya Type Barangay Hall na kasalukuyang ginagamit. Kasama sa mga kaunlaran ng barangay, sa panahong ito ay nabigyan ng kahalagahan ang programa sa pag-angat sa edukasyon at bunga nito- naitayo ang Siange Elementary School sa Sitio Panuban/Siange. Si Kapitan Emiliano Eustaquio ay nagtapos sa kaniyang panunungkulan noong taong 2002 dahil nagkaroon ng halalang pambarangay, muli siyang kumandidato ngunit siya ay natalo. Tinalo siya ni AYAS A. DIAZ. Sa pag-upo ni Kapitan Ayas A. Diaz, isang bagong kasaysayan ang nalantad dito. Siya ang kauna-unahang kaanib ng tribong BUHIDsa Lisap na kumandidato sa pagka-kapitan at nanalo. Muli siyang naghangad sa pangalawang pagkakataon at nanalo pa rin. At noong nakaraang taon (2010) ay muling nagdaos ng Synchronized Barangay & S.K. elections, si Kapitan Diaz ay muling kumandidato at siya ay nangibabaw pa rin- at nanalo sa ikatlong pagkakataon. Siya rin ang kauna-unahang nanalo sa tatlong magkasunod na eleksiyon pambarangay. Ang mga sumunod ang naipagawa ng Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Ayas A. Diaz at mga kaanib ng konseho .... Nagkaroon ng Improvement of Barangay Hall (Andaya Type) sa loob (interior) nito, sa kisame, mga bintana at partisyon, at nakapagpagawa ng mga kahoy na upuan at lamesa para sa 11 bumubuo ng Barangay Council, naipagawa ang steel fence ng Brgy. Hall, nakahingi ng tulong sa ating Municipal Mayor Bobot Umali ( noon ay Vice mayor pa) ng tulong sa pagkakaroon ngSteel Main Gate ng Barangay Hall, nakahingi rin sa dating Congressman Alfonso V. Umali Jr., ng isang Multi-cab, movable tent, naipagawa rin ang Bailey Bridge na pinunduhan galing sa PDAF ng dating Congressman (ngayon ay Provincial Governor) Alfonso V. Umali Jr., Construction ng Open Canal sa Pinaglabanan galing din sa PDAF ng dating Congressman, Concreting of Barangay Road (tapat ng Housing Project)., may tulong din na proyekto na hiningi sa KALAHI-CIDSS na Concreting of Barangay Road sa Pinaglabanan, 65m Repair/Maintenance of Barangay Road (tapat ng Lisap Elem. School), nakapagpagawa ng Slide at Swing set sa Children’s Playground ng Lisap E/S, gayundin ng School Waiting Shed (Lisap E/S, nakapagpagawa ng BPSO Station(Tulay/Blasting), Basketball Court sa Housing Project na may sementadong upuan, naipagawa ang Pathway Project sa Siange E/S, nakahingi rin ng tulong sa Governor’s Office Special Unit Section ng isang (1 unit), classroom para sa Siange E/S, naipagawa ng Barangay ang Box Culvert ng Centro I, nakahingi sa Provincial Government ng pondo para sa Rip-rapping Project ng Lisap Creek (Centro I na may 150 metro ang haba), nakapagpasemento ng Barangay Road sa Centro I sa haba na 116 metro , at naisakatuparan din ang Electrification Project ng Barangay Lisap buhat sa Sitio Tulay/Blasting hanggang umabot sa _Panuban/Siange- sa tulong ng Municipal Government, Governor’s Office at National Government, kasama ang pakikiisa ng KEPCO- Philippines at ORMECO- Calapan City. Sa taong ito (2011) naipagawa ang mga sumusunod: Concreting of Barangay Road (Centro 1)- 6o linear meters (BLGU Fund), sa Sitio Pinaglabanan-260 m (PLGU Fund) sa larangan ng—; Agro-forestry- nagkaroon ng National Greening Program (NGP) na sumasakop sa Barangay Lisap at nakapagtanim ng 12,000 Pili planting materials, 3,000 grafted Durian, 6,000 Lanzones seedlings, 6,000 Mahogany, 500 Bamboo planting materials (cuttings) atbp, na ang proyektong ito (NGP) ay pinangunahan ng DENR- (PENRO/CENRO) na ang layunin ay ipagpatuloy ito hanggang 2016, kasama sa mga pagawaing ito ang Assisted Natural regeneration (ANR), Strem/River Bank Protection, Watershed Protection, Refo., at iba pa, na sa kasalukuyan ay inihahanda na ang pagsasakatuparan ng iba pang mga pagawain para sa taong 2013 at sa darating pang panahon. Sa taong 2012: 60m Concreting of Barangay Road (Pinaglabanan) S.A.R.O.; 25lm. Bailey Bridge(Tulay/Blasting (KC/MT); Nakapagpagawa ng Tulay-Pantao (footbridge)sa 3 Sitio Hingin, Bahayaw, Alyanon; 65m Concreting of Barangay Road (Centro 1); Improvements of Iblagon Primary, Magadayaga Primary Schools and Akliyang Elementary School.; Improvement of Akliyang Cable Footbridge; Installation of 2 sets Basketball Board(Fiber Glass in Centro1); 2012-2013 Continuing Appropriations.; Construction of Concrete Road (Centro 1); Construction of Concrete Road (Pinaglabanan); Riprapping of Road-Centro 2; Construction of Barangay Plaza; Installation of Basketball (Lights) Centro 1; Construction of Cable Footbridge(Atoy); Cement Supplies; Paint Supplies. Natapos ang 3 termino ni Kapitan Ayas A. Diaz, na marami siyang naipagawa dito sa Barangay. At marami pang nakapending na proyekto at ito ay ipagpapatuloy ng bagong halal na Kapitan. Oktubre, 2013, nagkaroon ng Halalang Pambarangay. at ang nagwagi ay si Kgg. Melecio R. Palermo, at iba pang bagong halal na kagawad. Ang kanyang mga inilaang pondo ay para sa mga sumusunod na proyekto: Renovation of Barangay Hall; Concreting of Brgy. Road, Sitio Centro (42m) at Sitio Siange (42m); Construction of Health Center Annex – Alyanon; Paggawa ng Evacuation Center at marami pang iba.Ang mga proyektong hindi naisagawa noong nakaraang 2013, ay ipagpapatuloy sa taong ito (2014), tulad ng pagpapatuloy ng paggawa ng Cable Footbridge (Phase II) – c/o Gov. Umali. Taong 2014, ikalawang taon ng panunungkulan ni Kgg. Melecio R. Palermo bilang Punong Barangay ng Barangay Lisap, maraming proyektong naisagawa sa panahong ito. Ang kanyang pinaglaanang pondo, lahat ay na-implement. Ipinagpatuloy rin ng Gobernador ng Lalawigan na si Kgg. Alfonso Umali ang paggawa ng Cable Footbridge-Phase II sa Sitio Atoy. Nagkaroon rin ng katuparan ang pagkakaroon ng Day Care Building na ito ay sa tulong rin ng Gobernador ng Lalawigan. Nagkaroon ng Bleacher ang Basketball Court, nakapagtayo ng Health Center sa Alyanon (Phase I). Pinaglaanan muli nng pondo ang mga proyektong kailangan at hindi natapos noong nakaraang taong 2014 dahil sa maliit na pondo lamang ang inilaan dito. Ang hindi pa natapos ay ipagpapatuloy at mayroon ring mga idinagdag sa mga proyektong priority ng barangay. Taong 2015, ikatlong taon ng panunungkulan ng Punong Barangay, maraming proyekto ang kaniyang na implement. Pati ang mga natitirang proyektong naiwan ng nakaraang administrasyon ay kaniyang inireallign at ang iba naman ay ipinagpatuloy. Ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod: Construction of Health Center Annex- Phase III- So. Alyanon; Installation of Window Grills para sa Siange Elementary School Building; Construction of Elementary School Stage para sa Akliyang E/S; Bumili ng 1 unit Brand new Multicab; Rehabilitation ng Water System (Centro and Siange); Opening of Farm to Market Road ( Panuban to Sigaw); Concreting of Barangay Road (Centro & Siange); Construction of Bleacher (BBCourt-Centro); Construction of Concrete Fence (BBCourt-Centro); Rip-rapping of Barangay Road –Phase II-Pinaglabanan Taong 2016, nadugtungan muli ang pinakonkretong kalsada noong 2015. Ang concreting of barangay road sa Centro and Siange. Mayroon muling itinalagang pondo para sa rehabilitation of water system para sa Centro at Siange dahil kulang ang pondong itinalaga noong 2015. Taong 2017, ang naipagawang proyekto ay ang mga sumusunod: 1. Installation of Streetlights (Centro, Siange, & Housing) 2. Rip-rapping of Barangay road (So. Housing) 3. Construction of Spillway (Panuban & Bahayaw) 4. Installation of Window & Door Grills (Siange Elem. School) Nagkaroon na rin ng High School ang barangay na nagsimulang magbukas noong buwan ng Hunyo 2017. Isang dayuhan (Korean) ang tumulong para matupad ang pagkakaroon ng Paaralang Sekondarya ang barangay. Sa tulong rin ng Punong Barangay na idonate ang kaniyang lupa o posisyon para maipatayo ang ganitong institusyon sa barangay. Ang pangalan ng Paaralang Sekondaryang ito ay ELIM LISAP MANGYAN HIGH SCHOOL. ELIM dahil iyon ang pangalan ng samahan na nagdonate ng building para makapagpasimula ang panuruang 2017-2018. Ang unang batch na nag-aaral dito ay humigit-kumulang na 140 students na mas nakararami ang mga katutubo. Ang bnuksang antas ay Grade-VII at Grade-VIII. Taong 2018, nagkaroon ng Inauguration ang Lisap Bridge, sapagkat ito ay naging konkreto na sa wakas. Sa isinagawang inauguration, dumating at pinangunahan ng ating Mahal na Pangulong Duterte ang Seremonya, with the DPWH, siyempre na nagpagawa ng naturang Lisap Bridge. Ang inauguration ay isinagawa noong April 03, 2018, sa Lisap Bridge mismo at pumunta ang Presidente sa unang pagkakataon sa barangay Lisap. Ito ay isang makasaysayang pangyayari sapagkat ang kasalukuyang pangulo ay pumunta sa barangay Lisap. Sa taon ring ito, nagkaroon ng halalan sa barangay na ginanap ng buwan ng Mayo, 2018. At muli na namang nahalal bilang Punong Barangay sa ikalawang pagkakataon si G. Melecio R. Palermo. Siya ay muling binigyan ng pagkakataon ng mamamayan upang makapaglingkod pa ng matagal sa barangay Lisap. Wala man masyadong naging proyekto sa taong ito ngunit sa susunod na taon, continuing ang lahat ng ito lalo na ang mga nakabinbing projects na dapat nang i-implement. Taong 2019, maraming proyekto ang naisagawa ng Barangay Lisap, sa pangunguna ng Punong Barangay, Melecio . Palermo, na sinuportahan ng miyembro ng Sangguniang Barangay. Ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod: Concreting of Barangay Roads sa Siange, muling nadugtungan ito, Sitio Housing and Sitio Alyanon; Installation of Streetlights-Panuban and Blasting; Box Culvert Sa Sitio Alyanon; Spillway sa Sitio Hingin I; Rip-rap sa Lisap Elem. School; Stage sa Magdayaga ES; Fence (Cyclone Wire) sa Naswak ES at ang Health Center sa Sitio Alyanon ay malapit nang matapos. Sa wakas, napagawa na rin ang Covered Court na hiniling kay Congressman Reynaldo “RU” V. Umali. Taong 2020, buwan ng Marso 2020, nagconduct ng Total Lockdown sa buong Pilipinas at nadeclare na State of Public Health Emergency ang buong bansa sanhi ng kumakalat na virus ang COVID-19. Nagkaroon ng sunod-sunod na ayuda ang mga mamamayan, katulad ng Social Amelioration Program (SAP). Mahirap man ang dinanas ng buong bansa sa pandemyang ito, tuloy pa rin ang gawaing imprastruktura ng barangay. Nadagdagan muli ang pinasementong kalsada sa Barangay Lisap, nadugtungan ang nasa So. Siange, gayundin ang Sitio Alyanon. Sumikat rin ang Fangkak Falls na matatagpuan sa So. Alyanon, na dinarayo ng maraming tao. Nagkaroon ng Solar Streetlights ang So. Hingin I at So. Alyanon; nasimulan na ang pagpapagawa ng Senior Citizen Building; at naipagawa ang Steel Footbridge sa So. Bahayaw. Ilan lamang ang mga ito sa na-implement ngayong taong 2020. Taong 2021, patuloy pa rin ang Pandemya sa buong Pilipinas subalit ang Pamahalaan ay hindi tumitigil sa pagseserbisyo sa mamamayan, medyo maluwag na sa taong ito at nagkaroon ng malawakang bakunahan kontar Covid-19, subalit marami pa rin ang ayaw magpabakuna, nahirapan man na himukin ang mamamayan, lalo na sa dito sa Barangay Lisap, sapagkat ang mga Katutubo ay takot, pero hindi iyon naging hadlang upang pagsumikapan ng pamunuan ng Barangay Lisap na mahimok ang mamamayan ng barangay. Nagkaroon ng serbisyo caravan upang hindi na pumunta sa bayan ang mga mamayan at dito mismo sa barangay ang bakunahan. Gayundin ang mga proyektong nakatalaga sa taong ito ay naipagawa tulad ng : Concreting (Siange & Alyanon); Rip-rapping (Alyanon); Culvert (Alyanon); CR (Sigaw); Improvement (Health Center & SC Building), nandiyan man ang pandemya, patuloy pa rin ang serbisyo para sa mamamayan. Marami rin ang mga taong makakaliwa na sumuko sa pamahalaan, nabigyan ng serbisyong pangkabuhayan ang mga ito, binigyan ng kalabaw, baka, kambing at pinag-alaga ng mga manok (45 days) upang may panimulang panibagong buhay at pagkakakitaan, salamat sa ELCAC, gayundin sa mga masisipag na kasundaluhan na palaging andiyan upang makatulong lalo na sa mga katutubong naligaw ng landas. Taong 2022, ang mga naipagawang proyekto ay ang mga sumusunod: Concreting of Barangay Road (So. Siange and Hingin I), Rip-rapping of Barangay Road (So. Siange & Alyanon), Maintenance of Water System (All Sitios), distributed the HDPE Pipes sa mga Sitios na nangangailangang palitan ang hose na tubig, Procurement of Planting Materials worth 1.2M-mga Seedlings na pinamigay sa mga mamamayan ng Barangay Lisap; Nagsimula nang gawin ang Construction of Protection Dike mula Sitio Hingin I, hanggang sa may Elim Lisap Mangyan High School patungon sa tapat ng Sitio Atoy na nanggaling ang pondo kay Senator Manny Pacquiao; Nagsimula rin ang pagpapagawa ng mas maayos na daan sa Bukana ng Tulay (Centro to Blasting) na nanggaling ang pondo kay Madam Victoria Umali ng A-Teacher Party List ng House of Representatives; at sinimulan rin ang pagpapagawa ng bagong Barangay Hall na binigay ng dating Congressman Salvador “Doy” Leachon.

MISSION AND VISION

By the year 2029, Barangay Lisap is a develop community in terms of Infrastructure, Education, Organic Farming, Health , Power/Energy, Peace and Order, Social Welfare, Environment and Tourism. The remote areas became accessible to regular public service and the integration of the indigenous people into the mainstream of society has become a reality.

POPULATION

CENSUS
COUNT
Population 4,552

ORGANIZATIONAL CHART

Card image cap

Melecio R. Palermo

PUNONG BARANGAY
Card image cap

Ayas A. Diaz

Councilor 1
Card image cap

Bobby S. Solis

Councilor 2
Card image cap

Delfrado F. Canja, Jr.

Councilor 3
Card image cap

Glin V. Sagre

Councilor 4
Card image cap

Hermie S. Subito

Councilor 5
Card image cap

Nancy A. Paulino

Councilor 6
Card image cap

Pablito M. Gabayno, Jr.

Councilor 7
Card image cap

Bernadeth G. Galaran

Barangay Secretary
Card image cap

Mary Ann F. Mabunga

Barangay Treasurer
Card image cap

Renato G. Iwan

IP Representative